Miyerkules, Marso 12, 2014

Rebyu # 2

Suring pangpelikula:The Amazing Spiderman

         Kapag iyong maririnig ang salitang spiderman ay pumapasok agad sa ating isipan may pagkagagambang super hero.Dahil sa kagat ng isang pinag-experementohang gagamba ay naging siyang isang super hero.Siya ayaw kina-aaliwan ng mga bata at maging mga matatanda noon hanggang ngayon.

        Ang pelikulang ito ay dating isang komiks na isinulat ng Marvel Studios Inc.Tungkol ito sa isang matalino at simpleng teenager na si Peter Parker (Andrew Garfield).Sinisisi niya  ang kanyang sarili sa pag kamatay ng kanyang tito Ben(Martin Sheen) dahil sa pagalis niya.Siya ay nagtrabaho sa isang kompanya at tinuturuan ng isang scientist na si Dr. Curt Connors(Rhys Ifans) nanaging kalaban niya na si Lizard.Balak niya na gawing mga katulad niya ang lahat ng mga tao, kinidnap niya ang kasintahan ni peter na si Gwen Stacy (Emma Stone).Pero ito ay kanyang napigilan pero namatay ang tatay ng kanyang kasintahan na si Captain Stacy (Denis Leary).

      Ang pelikulang ito ay magugustohan ng mga bata at maging mga matatanda dahil sa makapigilhininga nitong pakikipaglaban at paglambitin niya.Ang pelikulang ito ay kailagan ng ibayong patnubay dahil baka ito'y gayahin ng inyong mga anak.

Rebyu # 1

Suring pangpelikula: IRON MAN 3

        Kapag maririnig natin ang salitang iron man ay pumapasok agad sa atin ang super herong ito.Siya ay isang matalinong imbentor na nakagawa ng isang robot suit na kina-aaliwan ng mga bata maging mga matatanda.Dahil sa magagandang robot suit na hindi lang sunusuot kundi remote kontrol na din.

        Ang pelikulang ito ay dating isang komiks na isinulat ng Marvel Studios Inc.Tungkol ito sa kay Tony Stark(Robert Downey Jr.) isang imbentor na kinalaban ng kanyang dating kasosyo na si Aldrich Killian(Guy Pearce).Kinidnap ng kanyang dating kasosyo ang kanyang kasintahan na si Pepper Potts(Gwyneth Paltrow) at si Presedent Ellis(William Sadler).Ginamit niya ang lahat ng kanyang mga robot suit para iligtas ang kangyang kasintahan at ang presedente kasama si Colonel James Rhodes(Don Cheadle) ang kanyang kaibigan.

      Ang pelikulang ito ay magugustuhan ng mga bata lalong-lalo na ang mga matatanda.Dahil sa mga magagandang effects na iyong makikita at sa mga malulupet na suit na hindi n'yo pa nakita.Ang pelikulang ito ay kailagan ng ibayong patnubay dahil baka ito'y gayahin  ng inyong mga anak.









Martes, Marso 11, 2014

Enero 23,2014(Miyerkules)

Sa araw na ito ay binigyan kami ni Gng.Mixto ng pangkatang gawain pero dahil sa madadaldal na kong kaklase ay sila ang nag-ulat.Ang aming grupo ay maganda naman ang pag-uulat.

Enero 22,2014(Martes)

Sa araw na ito ay nagbalik-aral kami tungkol sa akdang "ANG KALUPI" ni Benjamin Pascual".Pagkatapos ay itinuloy na ang hindi natapos na pangkatang gawain na ibinigay sa amin bilang takdang aralin.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin ni Gng.Mixto na kailangan naming bigyan ng banghay ang akdang "Ang Kalupi".

Enero 21,2014(Lunes)

Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kailangan naming gumawa ng tula bilang isang pangkat at kailangan bawat kasapi ay tig- apat na taludtod at isang saknong upang mabuo ang sinasabing tula.Pero hindi namin ito natapos kaya pinapasa na lang ito pagkatapos ng klase.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin na magkaroon ng akdang ng "ANG KALUPI" ni Benjamin Pascual.

Enero 17,2014(Huwebes)

Sa araw na ito ay wala si Gng. Mixto kaya ang aking mga kamag-aral ay napaka-iingay.

Enero 16,2014(Miyerkules)

Sa araw na ito ay nagbalik aral kami tungkol sa "ANG PAMANA ni Jose Corazon De Jesus".Pagkatapos ay nagkaroon kami ng gawain na gagawa kami ng liham para sa aming magulang ipapahayag namin ang aming Pasasalamat,Paghingi ng Tawad at Pagmamahal sa aming mga nanay.

Enero 15,2014(Martes)

Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kailangan naming magparamihan ng mga awiting may kinalaman sa ina.pagkatapos ay nito ay tinalakay namin ang awiting " Sa Ugoy Ng Duyan" ni Lea Salonga.Pagkatapos ay Tinalakay din namin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng "Sa ugoy ng duyan" at "Ang pamana".

Enero 14 2013(Lunes)

    Sa araw na ito ay tinalakay namin ang tulang " ANG PAMANA" ni Jose Corazon de Jesus.Tinatalakay dito na isang bunsong anak ang naghihinagpis dahil sa malapit nang sumakabilangay ang kanyang ina.Kaya naman ay agad na itong hinati- hati ang mga gamit na ipapamana ngunit nagsalita ang kanyang na hindi niya ito kailangan dahil ang taning kailangan niya lamang ay ang pagmamahal ng kanyang ina.