Miyerkules, Marso 12, 2014

Rebyu # 1

Suring pangpelikula: IRON MAN 3

        Kapag maririnig natin ang salitang iron man ay pumapasok agad sa atin ang super herong ito.Siya ay isang matalinong imbentor na nakagawa ng isang robot suit na kina-aaliwan ng mga bata maging mga matatanda.Dahil sa magagandang robot suit na hindi lang sunusuot kundi remote kontrol na din.

        Ang pelikulang ito ay dating isang komiks na isinulat ng Marvel Studios Inc.Tungkol ito sa kay Tony Stark(Robert Downey Jr.) isang imbentor na kinalaban ng kanyang dating kasosyo na si Aldrich Killian(Guy Pearce).Kinidnap ng kanyang dating kasosyo ang kanyang kasintahan na si Pepper Potts(Gwyneth Paltrow) at si Presedent Ellis(William Sadler).Ginamit niya ang lahat ng kanyang mga robot suit para iligtas ang kangyang kasintahan at ang presedente kasama si Colonel James Rhodes(Don Cheadle) ang kanyang kaibigan.

      Ang pelikulang ito ay magugustuhan ng mga bata lalong-lalo na ang mga matatanda.Dahil sa mga magagandang effects na iyong makikita at sa mga malulupet na suit na hindi n'yo pa nakita.Ang pelikulang ito ay kailagan ng ibayong patnubay dahil baka ito'y gayahin  ng inyong mga anak.









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento