Sabado, Enero 4, 2014

Nobyembre 21, 2013(Huwebes)

      Sa araw na ito ay nagbalik-aral kami tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos ay tinalakay din namin ang teoryang nakapaloob dito na Teoryang Dekonstruksyon.Sa teoryng ito ay nagbabago ang pananaw at ideya ng tao kapag nalaman mo na ang tunay na kuwento nito.Katulad na lamang nito na itinuturing na kriminal si Tata Selo at ang biktima naman ay si Kabesang Tano,ngunit kung susuriin natin ang pahayag sa akda,malalaman natin na si Tata Selo pala ang biktima at si Kabesang Tano naman ang kriminal.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin na gumawa ng islogan patungkol sa paksa ng akda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento