Sabado, Enero 4, 2014
Nobyembre 25, 2013(Lunes)
Sa araw na ito ay nagtanong si Gng. Mixto kung ano ang aming maiisip sa salitang Bilanggo.Pagkatapos ay naglahad siya sa amin ng ibat- ibang uri ng pagkakakbilanggo tulad sa sakit ng Pag-ibig,sa masamang nakaraan o ang pagkabigo sa anumang problemang hinaharap.Pagkatapos ay tinanong kami kung anu ang kaluhugan ng Sinag sa Karimlan.Sinabi ng aking mga kamag-aral na ito ay liwanag sa dilim ngunit kung ikaw mag-iisip pang malalim,ito ay nangangahulugang pag-asa sa kabila ng mga hirap.Pagkatapos ay iniulat ng Pangkat I ang "Sinag sa Karimlan" ni Dionisio Salazar.Pagkatapos ng pag-uulat ay itinama ng aming guro ang mga kamalian sa kanilang pag uulat at mas pinalawak pa ng aming guro ang pagpapaliwanag sa kanilng pag-uulat.Pagkatapos ay binigyan ang bawat pangkat ng takdang aralin tungkol sa mga tauhan sa akda.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento