Miyerkules, Marso 12, 2014

Rebyu # 2

Suring pangpelikula:The Amazing Spiderman

         Kapag iyong maririnig ang salitang spiderman ay pumapasok agad sa ating isipan may pagkagagambang super hero.Dahil sa kagat ng isang pinag-experementohang gagamba ay naging siyang isang super hero.Siya ayaw kina-aaliwan ng mga bata at maging mga matatanda noon hanggang ngayon.

        Ang pelikulang ito ay dating isang komiks na isinulat ng Marvel Studios Inc.Tungkol ito sa isang matalino at simpleng teenager na si Peter Parker (Andrew Garfield).Sinisisi niya  ang kanyang sarili sa pag kamatay ng kanyang tito Ben(Martin Sheen) dahil sa pagalis niya.Siya ay nagtrabaho sa isang kompanya at tinuturuan ng isang scientist na si Dr. Curt Connors(Rhys Ifans) nanaging kalaban niya na si Lizard.Balak niya na gawing mga katulad niya ang lahat ng mga tao, kinidnap niya ang kasintahan ni peter na si Gwen Stacy (Emma Stone).Pero ito ay kanyang napigilan pero namatay ang tatay ng kanyang kasintahan na si Captain Stacy (Denis Leary).

      Ang pelikulang ito ay magugustohan ng mga bata at maging mga matatanda dahil sa makapigilhininga nitong pakikipaglaban at paglambitin niya.Ang pelikulang ito ay kailagan ng ibayong patnubay dahil baka ito'y gayahin ng inyong mga anak.

Rebyu # 1

Suring pangpelikula: IRON MAN 3

        Kapag maririnig natin ang salitang iron man ay pumapasok agad sa atin ang super herong ito.Siya ay isang matalinong imbentor na nakagawa ng isang robot suit na kina-aaliwan ng mga bata maging mga matatanda.Dahil sa magagandang robot suit na hindi lang sunusuot kundi remote kontrol na din.

        Ang pelikulang ito ay dating isang komiks na isinulat ng Marvel Studios Inc.Tungkol ito sa kay Tony Stark(Robert Downey Jr.) isang imbentor na kinalaban ng kanyang dating kasosyo na si Aldrich Killian(Guy Pearce).Kinidnap ng kanyang dating kasosyo ang kanyang kasintahan na si Pepper Potts(Gwyneth Paltrow) at si Presedent Ellis(William Sadler).Ginamit niya ang lahat ng kanyang mga robot suit para iligtas ang kangyang kasintahan at ang presedente kasama si Colonel James Rhodes(Don Cheadle) ang kanyang kaibigan.

      Ang pelikulang ito ay magugustuhan ng mga bata lalong-lalo na ang mga matatanda.Dahil sa mga magagandang effects na iyong makikita at sa mga malulupet na suit na hindi n'yo pa nakita.Ang pelikulang ito ay kailagan ng ibayong patnubay dahil baka ito'y gayahin  ng inyong mga anak.









Martes, Marso 11, 2014

Enero 23,2014(Miyerkules)

Sa araw na ito ay binigyan kami ni Gng.Mixto ng pangkatang gawain pero dahil sa madadaldal na kong kaklase ay sila ang nag-ulat.Ang aming grupo ay maganda naman ang pag-uulat.

Enero 22,2014(Martes)

Sa araw na ito ay nagbalik-aral kami tungkol sa akdang "ANG KALUPI" ni Benjamin Pascual".Pagkatapos ay itinuloy na ang hindi natapos na pangkatang gawain na ibinigay sa amin bilang takdang aralin.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin ni Gng.Mixto na kailangan naming bigyan ng banghay ang akdang "Ang Kalupi".

Enero 21,2014(Lunes)

Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kailangan naming gumawa ng tula bilang isang pangkat at kailangan bawat kasapi ay tig- apat na taludtod at isang saknong upang mabuo ang sinasabing tula.Pero hindi namin ito natapos kaya pinapasa na lang ito pagkatapos ng klase.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin na magkaroon ng akdang ng "ANG KALUPI" ni Benjamin Pascual.

Enero 17,2014(Huwebes)

Sa araw na ito ay wala si Gng. Mixto kaya ang aking mga kamag-aral ay napaka-iingay.

Enero 16,2014(Miyerkules)

Sa araw na ito ay nagbalik aral kami tungkol sa "ANG PAMANA ni Jose Corazon De Jesus".Pagkatapos ay nagkaroon kami ng gawain na gagawa kami ng liham para sa aming magulang ipapahayag namin ang aming Pasasalamat,Paghingi ng Tawad at Pagmamahal sa aming mga nanay.

Enero 15,2014(Martes)

Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kailangan naming magparamihan ng mga awiting may kinalaman sa ina.pagkatapos ay nito ay tinalakay namin ang awiting " Sa Ugoy Ng Duyan" ni Lea Salonga.Pagkatapos ay Tinalakay din namin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng "Sa ugoy ng duyan" at "Ang pamana".

Enero 14 2013(Lunes)

    Sa araw na ito ay tinalakay namin ang tulang " ANG PAMANA" ni Jose Corazon de Jesus.Tinatalakay dito na isang bunsong anak ang naghihinagpis dahil sa malapit nang sumakabilangay ang kanyang ina.Kaya naman ay agad na itong hinati- hati ang mga gamit na ipapamana ngunit nagsalita ang kanyang na hindi niya ito kailangan dahil ang taning kailangan niya lamang ay ang pagmamahal ng kanyang ina.

Huwebes, Enero 23, 2014

Enero 10,2014(Biyernes)

             "Yehey patapos na!!", sa araw na ito ay patapos na ang aming pagsusulit.Ang mga asignatura na nasagutan namin ay MATH,Araling Panlipunan,VALUES,at CHEMISTRY.

Miyerkules, Enero 8, 2014

Enero 09,2014(Huwebes)

               Sa araw na ito ay ang aming pagsusulit ang mga asignatura na aming nasagutan ay MAPEH,English,Filipino,at TLE.

Enero 08,2014(Miyerkules)

       Sa araw an ito ay  nagkaroon kami na pagsusulit na ginawa na ring pagrereview para sa periodical test.Tinalakay na rin namin ang ironiya na hindi natapos kahapon.^^

Enero 07,2013(Martes)

            Sa araw na ito ay tinalakay namin ang buod ng Noli Me Tangere at anu ang ironiya.Pero hindi namin ito natalakay ng masyadodahil wala ng oras.

Enero 06,2014(Lunes)

          "Pasokan nanaman....katamad pa pumasok!!",sa araw ito ay pasukan na.Pagkatapos ay gumawa kami ng liham tungkol sa mga nangyari sa karaang taon (2013) at ano ang mga pagbabagong nais naming baguhin.

Enero 05,2014(Linggo)

               "Gupitan na...!!",sa araw na ito ay nagpagupit na ako para hindi maukaan bukas. :)

Enero 04,2014(Sabado)

               "Hala Anu To!!",Pagkagising ko ay may mga sulat ako sa mukha.Pagkatapos ay umuwi na kami at natulog muna ako para makabawi.Pagkatapos ay pumuta ako sa bahay ng aking pinsan para panuorin siyang magPSP.^^

Enero 03,2014(Biyernes)

             "Overnight overnight din pag may Time!!",sa araw ito ay nag "overnight" kami sa school para gawin ang aming diyaryo.

Enero 02,2013(Huwebes)

        Ha......Anu....??!!,Sa araw na ito ay pinuntahan kami ng kaklase ng aking pinsan para gumawa ng mga artikel para sa diyaryo.Pagkatapos naming gumawa ng mga artikel ay nagLOL na kami.^^

Enero 01,2014(Miyerkules)

              "Bagong Taon Bagong Buhay!!",sa araw na ito ay naglaro kami agad ng aking pinsan ng LOL. Kinagabihan ay nakiNoche Buena kami sa bahay ng aking pinsan.^_^

Disuembre 31,2013(Martes)

          "Yehhey.... New Year Na!!..",sa araw na ito ay naghanda aking mga magulang ng biko at makaroni.Pagkatapos ay pumunta na ako sa bahay ng pinsan ko.pagkatapos ay nagpunta na kami sa komputer shop.

Disyembre 30,2013(Lunes)

              "Hay Talo sa LOL...",sa araw na ito ay nagpunta kaagad ako sa komputer shop dahil sa sobrang log ay natalo kami. :'(

Disyembre 29,2013(Linggo)

           "Ang sarap talagang manood ng TV...!!",sa araw na ito ay nanood lang ako ng TV hanggang gabi.^^

Disyembre 28,2013(Sabado)

        "Nood ulet...!",sa araw na ito ay nanood lang ako maghapon ng tv sa bahay.Pagkatapos ay natulog na ako pagkagising ko ay ala-6 na pumunta ako sa komputer shop para magLOL. panalo^_^

Disyembre 27,2013(Biyernes)

             "Hay... naku....!",sa araw na ito ay nagpunta kami ng aking pinsan at ng kanyang mga kaklase na sina:Scottie,Mark anthony Pama,Momongan,at si Galvez. Hindi kami nakapaglaro ng maayos sa CXG malapit sa Sta. Lucia matapos ang aming paglalarom ay nagpunta na kami sa loob ng sta. lucia para magpalamig.^_^

Disyembre 26, 2013(Huwebes)

              "Ha..... anu.....!?",sa araw  na ito ay nagpunta agad ako sa bahay ng aking pinsan. Nagulat ako nang nandoon pala ang kanyang kaklase na si Galvez sila daw ay gagawa ng kanilang proyekto sa TLE.

Diyembre 25, 2013(Miyerkules)

            "Pasko na.....!!",sa araw na ito ay binigyan ako ng 100 pagkatapos ay pumunta na ako as aking pinsan at kami ay nagpunta sa komputer shop para maglaro ng LOL.

Disyembre 24, 2013(Martes)


              "Bisperas na nga Pasko....!!", sa araw na ito ay naggala lang ako ng  naggala  sa kung saan-saan. Pagkatapos ay nanood lang ako ng tv magdamag.Pagsapit ng notche bwena ay nagkainan na kami.

Diyembre 23, 2013 (Lunes)

              "Sarap manood ng TV...",sa araw na ito ay nanood ako ng tv hanggang mag alas-12. Pagkatapos ay pumunta ako sa bahay ng pinsan ko para  mag laro sa kanilang komputer ng "Dota".^^

Disyembre 22, 2013(Linggo)

              ''Ulet-ulet!!",sa araw na ito ay nanood ako ng tv hanggang matapos ang AHA. Pagkatapos ay nag punta na ako sa komputer shop para maglaro ng LOL.^^

Disyembre 21, 2013(Sabado)

         "Nood-nood din pag mgay time!!", sa araw na ito ay nanood lang ako ng tv hanggang tanghali.Pagkatapos ay pumunta ako sa bahay ng aking pinsan para panoorin siyang maglaro ng PSP. ^^

Disyembre 20,2013(Biyernes)

             ''Hay... salamat wala ng pasok!!'',sa araw na ito ay nanood lang ako maghapon ng tv sa bahay pagdating ng alas-4 ay pumunta na ako sa komputer shop para maglaro ng LOL.^^

Disyembre 19,2013(Huwebes)

             " Yehhhhheyy....... Chismas Party na namin!!" napakasaya talaga ng chismas party dahil sa mga palarong ipinirisinta ng mga opisyal ng aking mga akamagaral. Ang aking natanggap sa aming exchange gift a y isang damit. ^_^

Disyembre 18,2013(Miyerkules)

      Sa araw na ito ay wala ang aking kaibigan na si Veel dahil sila ay sumayaw sa mamabugan idol naooop ako sa klase spagkat wala akong kakwentuhan. :'(

Lunes, Enero 6, 2014

Desyembre 16,2013(Lunes)

       Sa araw na ito ay tinuruan kami Gng. Mixto kung paano magbuod ng isang akda.Pagkatapos nito ay umuwi na ako pagdating ko ay ginawa ko muna ang mga takdang aralin at pagkatapos ay pumunta na ako ng kompyuter shop para maglaro ng LOL.

Desyembre 13,2013(Biyernes)

     Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng gawain sa Filipino na gagawa kami ng sanaysay tungkol sa paano namin makakmit ang maing mga pangarap.Habang kami ay gumagawa ay nagpapatugtog ng gitara si Gng. Mixto at napakagaling niyang maggitara.Pagkatapos ito ay amin nang ipinasa sa kaya.

Desyembre 12,2013(Huwebes)

      Sa araw na ito ay nag ulat na ang bawat pangkat ng kanilang ginawa at naging maayos naman ang pag uulat ng aking pangkat. Pagkauwi ko ay ginawa ko na ang portfolio ko sa Matematika at pati narin ang kwaderno . Pagakatapos ay nag balik aral ako sa aming mga asignatura dahil magkakaroon kami ng pagsusulit sa English,Math,Chemistry at MAPEH.Pagkatapos ay nagLOL na kami ng aking pinsan.

Desyembre 11.2013(Miyerkules)

          Sa araw na ito, ay nag ulat ang Pangkat III ng buong kuwento ng Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz.Pagkatapos ay pinalawak pa namin ang buong kaisipan ng akda at nagkaroon kami ng pangakatan.Pagkatapos ng klase ay nagbihis ay kumain agad ako para tapusin ang aking mga takdang aralin at nang natapos ko na ang aking mga takadang aralin ay nagLOL na ako.

Desyembre 10,2013(Martes)

         Sa araw na ito ay wala naman kaming ginawa kaya umuwi na kami ng maaga dahil may gaganaping program .Pagkatapos ay yinaya ako ng aking kamag-aral para maglaro kami ng "LOL"o "League of Legends" sa komputer shop sa kanila kami naman ay masaya dahil kami ay nanalo.

Destembre 09,2013(Lunes)

       Pagkatapos ng klase ay natulog akong saglit, pakagising ko ay alas-4 na at pumunta ako sa komputer shop para hanapin ang mga takdang aralin na iniatas sa amin.Doon ay nakita ko ang aking kamag-aral na si veel gumagawa ring pala siya ng takdang aralin niya.

Desyembre 06,2013(Biyernes)

      Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng pagusulit sa asignaturang MAPEH. Kami ay nabigla dahil hindi niya kami nasabihan.Pagkatapos sa oras naman ng A.P ay nagkaroon naman ng pagbigkas sa Preamble at pinakopya sa amin ang tungkol sa kasaysayan ng World War II.

Sabado, Enero 4, 2014

Desyembre 05,2013(Huwebes)

     Sa araw na ito ay ginawa na namin ang naiwang pangkatan na iniatas sa amin.Pagkatapos ay nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin na magdala ng makulay na papel.

Desyembre 04,2013(Miyerkules)

Sa araw na ito ay ipinasa na namin ang aming takdang-aralin at bumunot ang aming guro upang tawagin at ipaliwanag ang ipinasang larawan.Pagkatapos ay sinuri namin ang teoryang nakapaloob sa akdang Banyaga ni Liwayway Arceo at ito ay teoryang Feminismo.Ang toeryang Feminismo ay nakatuon tungkol sa mga kalakasan at kahinaan ng kababaihan.Pagkatapos ay nagbigay ng takdang pangkatang gawain na nakalagay sa kanya-kanyang makulay na papel.

Desyembre 03, 2013(Martes)

Sa araw na ito ay nagpaskil ng mga babaeng naging sikat sa ibat- ibang larangan si Gng. Mixto.Pagkatapos ay tinalakay namin ang akdang Banyaga ni Liwayway Arceo,tungkol ito sa babaeng nagngangalang Fely na nangibang bansa upang sila'y guminhawa.Ngunit ,sa kanyang pagbalik ay nag-iba ang trato sa kanya ng kanyang mga kababayan at ng kanyang mga kamag anak lalo na si Nana Ibang.Nang aming suriin ang buong kwento, nagkaroon ng napakasayang pagsusuri dahil ang aming pagsusuri sa akda ay laging mali at sadyang hindi pa naming lubos na nauunawaan ang buong kuwento.Pagkatapos ay nagpatakdang aralin si Gng. Mixto na gumupit ng mga larawan ng mga babaeng naging tanyag sa kanya kayang larangan.

Desyembre 02,2013(Lunes)

          Sa araw na ito ay sinimulan namin sa paglalarawan sa mga babaeng naging tanyag at ano ang kanilang mga magagandang katangian ng mga ito.Pagkatapos nito ang pagtalakay sa akdang Banyaga ni Liwayway Arceo.Naging kahabag-habag ang pagtalakay namin dahil hindi namin masyadong maintindihan ang akda ngunit nang dahil sa aking mga kaklase, ito ay aming naintindihan.

Nobyembre 29, 2013(Biyernes)

      Sa araw na ito ay wala ang si Gng.Mixto kaya ang nagbantay sa amin ay si Ginoong Mixto. Pagkatapos ay ibinigay na niya ang gawaing iniatas sa amin ni Gng. Mixto at siya nagkwento sa kahalagahan ng pag-aaral.

Nobyembre 28, 2013(Huwebes)

      Sa araw na ito ay pinag aralan namin ang teoryang nakapaloob sa Sinag sa Karimlan ni Doinisio S.Salazar at ito ay Dulang Pansuliranin dahil sinasabi dito sa teoryang ito ang mga suliraning panlipunan na nakatalaga sa akdang ito.Pagkatapos ay nagbigay si Gng. Mixto ng ilang mga katanungan tungkol sa Dulang Pansuliranin at pagkatpos nun ay nagkaroon kami ng pangkatan.

Nobyembre 27, 2013(Miyerkules)

     Sa araw na ito ay nagbalik aral kami tungkol sa antas ng wika. Pagkatapos ay tinanong kami ni Gng. Mixto kung ano ang mga isyung panlipunan ang matatagpuan sa akdang Sinag sa Karimlan at pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan.Umikot ang aming pag uulat tungkol sa pagpapatawad ni Tony kay Mang Luis dahil siya nakulong sa salang pagpagnanakal.Ubus na ang aming oras kaya ipagpapatuloy na lang namin ang talakayan bukas at pag aaralan naman namin ang teoryang nakapaloob dito.

Nobyembre 26, 2013(Martes)

       Sa araw na ito ay iniulat na ng bawat pangkat ang mga tauhan na iniatas sa kanila tungkol sa Sinag sa karimlan ni Dionismo s. Salazar. Pagkatapos ay tinalakay din namin ang tungkol sa Antas ng Wika.

Nobyembre 25, 2013(Lunes)

     Sa araw na ito ay nagtanong si Gng. Mixto kung ano ang aming maiisip sa salitang Bilanggo.Pagkatapos ay naglahad siya sa amin ng ibat- ibang uri ng pagkakakbilanggo tulad sa sakit ng Pag-ibig,sa masamang nakaraan o ang pagkabigo sa anumang problemang hinaharap.Pagkatapos ay tinanong kami kung anu ang kaluhugan ng Sinag sa Karimlan.Sinabi ng aking mga kamag-aral na ito ay liwanag sa dilim ngunit kung ikaw mag-iisip pang malalim,ito ay nangangahulugang pag-asa sa kabila ng mga hirap.Pagkatapos ay iniulat ng Pangkat I ang "Sinag sa Karimlan" ni Dionisio Salazar.Pagkatapos ng pag-uulat ay itinama ng aming guro ang mga kamalian sa kanilang pag uulat at mas pinalawak pa ng aming guro ang pagpapaliwanag sa kanilng pag-uulat.Pagkatapos ay binigyan ang bawat pangkat ng takdang aralin tungkol sa mga tauhan sa akda.

Nobyembre 22, 2013(Biyernes)

     Sa araw na ito ay ipinasa namin ang aming mga takdang aralin na islogan tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos ay bumunot ang aming guro upang basahin ang aming mga ginawa.Pagkatapos ay tinanong ni Gng. Mixto kung bakit ayaw pang magsumbong ni Saling sa pang aabuso at pangmamaltrato sa kanya ni Kabesang Tano.Pagkatapos ay nagpaskil si Gng. Mixto ng mga ilang katanungan at nagkaroon kami ng pagsususlit.

Nobyembre 21, 2013(Huwebes)

      Sa araw na ito ay nagbalik-aral kami tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos ay tinalakay din namin ang teoryang nakapaloob dito na Teoryang Dekonstruksyon.Sa teoryng ito ay nagbabago ang pananaw at ideya ng tao kapag nalaman mo na ang tunay na kuwento nito.Katulad na lamang nito na itinuturing na kriminal si Tata Selo at ang biktima naman ay si Kabesang Tano,ngunit kung susuriin natin ang pahayag sa akda,malalaman natin na si Tata Selo pala ang biktima at si Kabesang Tano naman ang kriminal.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin na gumawa ng islogan patungkol sa paksa ng akda.

Nobyembre 20,2013(Miyerkules)

        Sa araw na ito ay nagbalik aral kami tungkol sa akdang Tata Selo ni Rogelio Sikat na iniulat ng pangkat IV.Pagkatapos ay tinanong kami ni Gng. Mixto kung ano ang kahulugan ng huling linya na sinabi ni Tata Selo sa akda na "kinuha na ang lahat sa kanya".Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan gawain at ang huli ay ang pagtukoy kung bakit nga ba pinatay ni Tata Selo si Kabesang Tano,Yun ay dahil ang panggahasa ni Kabesang Tano kay Saling na anak ni Tata Selo at iyon ay nalaman namin na ganun din ang ginawa ng alkalde sa kanyang anak sa bandang huli.

Nobyembre 19, 2013(Martes)

 Sa araw na ito ay nagsimula sa pagtatanong sa kahulugan ng "Walang alipin kung walang paaalipin".Pagkatapos ay nagbahagi si Gng. Mixto ng mga bagong salita katulad ng Amba na Nangangahulugang Lolo at Popo naman ay Lola.Pagkatapos ay iniulat ng Pangkat IV ang Tata Selo ni Rogelio Sikat sa pamamagitan ng pagsasadula at nagkaroon din kami ng Pangkatang gawain.

Biyernes, Enero 3, 2014

Nobyembre 18, 2013(Biyernes)

   Sa araw na ito ay ipinagpatuloy na namin ang hindi natapos na pag-uulat noong nakaraang biyernes.Pagkatapos ay tinalakay naman namin ang mgta karaptang pambata na ibinigay ng United Nation's Children's Fund.Pagkatapos ay tinanong naman kami ni Gng. Mixto na kung ano-anu ang mga karapatang natamasa at ipinagkait kay Adong, halos lahat ng karapatan ay ipinagkait sa kanya. Pagkatapos ay nagkaroon din kami ng gawain tungkol sa mga karapatang hindi naibibigay sa amin at mga karapatan na aming inabuso.

Nobyembre 15, 2013(Biyernes)

 Sa araw na ito kami ay nagbalik-aral tungkol sa Mabangis na Lungsod at ang Teoryang Naturalismo.Pagkiatapos ay tinalakay ng aming guro ang teorya ito.Pagkatapos nito ay nagtanong si Gng. Mixto kung namatay nga ba o hinimatay lang ba si Adong sa akda.inakala ko na hinimatay lang si Adong ngunit siya pala ay namatay sa wakas ng akda. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng gawain at nagpatakdang aralin na magkaroon kami ng kopya ng mga karapatang pambata.

Nobyembre 14, 2013(Huwebes)

       Sa araw na ito ay pinag-aralan namin ang teoryang Naturalismo na nakapaloob sa akdang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg.Pagkatapos ay binigyan kami ng pangkatang gawain tungkol sa mga panutong nakaatas sa lahat ng mga grupo.Pagkatapos ay naging makabuluhan ang naging pag-uulat ng aming pangkat. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin si Gng. Mixto kung anu nga ba ang nangyari kay Adong sa wakasa ng akda.

Nobyembre 13, 2013(Miyerkules)

  Sa araw na ito ay Nahuli sa aming klase  ang aming guro kaya't konting oras na lamang para sa aming  talakayan. Pagkatapos ay nagbigay si Gng. Mixto ng pagususlit hinggil sa mga malalalim na parirala sa akdang Mabangis na Lungsod upang higita pa namin itong maunwaan at isa-isa namin itong ipinaliwanag ang mga nangyayari sa loob ng akda. Pagkatapos ay ipinaliwanag ng aming guro ang kahalagahan ng pera noon na sampung sentimos lang ay napakahalga na noon.

Nobyembre 12, 2013(Martes)

    Sa araw na ito ay nagtanong ang aming guro na si Gng.Marvelyn B. Mixto kung  sinu-sino na ang nakapunta na sa Quiapo,Maynila at anu-ano ang makikita doon. Pagkatapos ay binigyan niya kami ng gawain at umalis siya saglit.Pagbalik niya ay iniwasto na namin ito. Pagkatapos niyan ay iniulat ng aking pangkat ang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg at isinagawa ng dalawang sa aking mga kagrupo ang senaryo nina Adong at Bruno.

Nobyembre 11, 2013(Lunes)

     Sa araw na ito ay iniwasto namin ang pagsusulit tungkol "sa Pula sa Puti" ni Francisco Soc Rodriguez. Pagkatapos nito ay iniwasto naman namin ang lathalain tungkol sa pag-iwas sa pagsusugal at pagkatapos ay pinatakdang aralin sa amin ang akdang "Mabangis na lungsod" ni Efren Abueg.

Nobyembre 08, 2013(Biyernes)

           Sa araw na ito ay walang pasok dahil sa bagyong yolanda.